Monday, February 07, 2005

pagtanaw sa mga kaibigan sa ucsc (aming mga pakikibaka)

Gabi na naman. magtatalong linggo na ako dito sa America. natutuwa ako ant nalulungkot. Naiisip ko pamilya ko sa Pilipinas at ang mga kaibigan kong iniwanan doon. Naaalala ko yung mga araw na nagiinom kami ng kape nila matet, tin rob at adrian sa starbucks katipunan. ang saya saya ng mga araw na yun! halos 4 na beses sa isang linggo, hindi maaaring hindi kami magkita kita. kwentuhan kami, tawanan, bwisitan. Wala na yung kapartner kong si matet sa lahat ng katarantaduhan! 7,000 milyahe ang pagitan na min sa bawat isa! wala na rin sa tabi ko ang aking katuwang ko sa panliligaw at pag gawa ng regalong si tin! hehehe... wala dito yung kadebate ko palagi na si rob, haay, nakakamis mga debate na yun! matibay kami pareho, walang makumbinsi kasi parehong matindi pananaw sa buhay! at syempre, mis ko pareng adrian ko! pucha, walang araw sa isang linggo na hindi kami uminom nito! at hindi basta inom ha! mahinana limang bote ng beer! hehehe... miss ko din taj at boggs, kagitara ko, "CRAZY FOR YOU" ang tema kasi mga loverboys kami!hahaha! ganun talaga... Alam nyo, sa buhay madami tayong makikita at makikilala. madaming magiging kaibigan. at bawat isa sa kanila ay may ala2 alang maiiwan sa iyo na kahit saan ka man magpunta ay hinding- hindi mo na malilimutan! " Kay simple lamang ng buhay noon, walang mabibigat na suliranin. laging problema lamang kulang ang datung, san na nga ab'ng barkada ngayon?"
Minsan, iisipin mo, mainam ba yung nakikipagkaibigan pa kasi alam na alam mo naman na dadaing ang panaho at magkakahiwa-hiwalay din kayo? at tuwing mangyayari yun, hindi maaaring hindi ka masaktan. pero kung pagninilayan mo, ipagpapalit mo ba yung ligayang pinagsamahan nyo sa sakaling pagkakataong hindi pagkakakilala sa kanila?! Wag na! salamat na lang! di bale nang bumaha ng luha na nalalamang mayroon ang mga taong nakasama at nakasalo sa kaligayahan kaysa sa walang inaalalang masasaang nagdaan.
masaya kong iisipin yung kwentuhan namin ni harold sa morato at pakikpag sayaw sa mga seksing chiks sa decades. yung mga inuman sa rooftop at kwarto ko na nagtapos sa pagsusuka ni boggs at pag gulong ko sa basang bermuda! hay... buhay... sarap alalahanin. sana maulit lahat ng ito. sana magkasam- sama ulit kami.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home